Chapter 5 💛 Ellie' POV Mula nang pinunasan n'ya ang luha ko ay hindi ko na nagawa pang kumilos ng maayos. Pinagpatuloy n'ya ang pagsusulat na parang walang nangyaring pagdampi ng balat n'ya sa akin. But since when did I ever care about touching? Heck! I swallowed multiple times. I hope he didn't notice it. Kahit kababawan ay nagawa kong mawaglit sandali ang nangyaring kahihiyan. Even if I wanted to drown myself right on my chair, I composed myself and remained quite. My cheeks burned. Halos ang langitngit na nagmumula sa ceiling fan lamang ang naririnig sa apat na sulok ng silid. "Tapos na." Hindi ako makatingin sa kanya ng deretso dahil sinasalabungan n'ya ako ng titig. Napalunok akong muli at niligpit na ang gamit ko. Nilagay ko ang aking bag sa kandungan ko't humanda nang umalis, he didn't talk and watched me fixing my things thoroughly. Bakit ba sa lahat ng makakasama ko'y siya pa? "S-Salamat.."
Hello! This is Gianna1014 on Wattpad. I'm currently writing romance fiction and self-published/Indie author.