First
Heartbreak
You're asking for forgiveness, because you
were wrong.
But how, if he already have your friend
replacing you to his heart?
Prologue💛
Ellie's POV
NAPAIGTAD ako nang muling sumigaw sa maliit
na bintana ang amo kong sa intsik sa maliit na bintana na naghihiwalay sa
kusina at sa kainan. Muntik pang dumulas sa kamay ang dalawang tasa ng lugaw sa
tining ng boses n'ya. My pride was down for now.
"Ano ba naman 'tong buntis na 'to!
Napakabagal, dalawang lugaw lang ang kukunin! Hala, ilabas mo na 'yan dito at
naiinip na ang customer ko! Dali!" Pinasadahan n'ya pa ako ng tingin na
parang gulong-gulo ang itsura ko. Her rebonded hair looked so firm and almost
not moving kahit panay ang paypay n'ya.
"Lalabas na po madam.." Sagot ko na
lang. Ayoko mang nilalait ako'y wala naman akong magagawa. I am too weak and
helpless. I'm afraid, na baka pag napuno siya sa akin ay tanggalan n'ya ako ng
trabaho at matutulugan. Ang last resort ko lamang ay itong lugawan n'ya.
Titiisin ko na lamang hanggang sa makapanganak ako.
Kahit nang nasa labas na ako'y panay pa rin
ang palatak ng amo ko. Pinaghalong hiya at diskriminasyon ang nararamdaman ko
habang nasa gitna ng mga taong kulang na lang ay kunan nila ng camera ang
pamamahiya sa'kin ng may-ari. Her litany made me want to run and slap the pain
I was feeling right now.
Bakit 'di na lang siya manahimik nang wala ng
problema? Tngina. Nakakagigil na siya.
"Pabuntis kasi ng pabuntis, hindi pala
pananagutan ng lalaki! Sinayang mo 'yang ganda mo at pag-aaral mo! E'di sana'y
nakagraduate ka at nag-aapply na ngayon sa malalaking kompanya, tulad dyan sa
mga Castillano!"
Isang bigwas ng kirot sa dibdib ang aking
naramdaman. Castillano. Hinding-hindi ko makakalimutan ang apelyidong
'yan. Humawak ako nang mahigpit sa tray at tila namintig ang bawat ugat sa
katawan ko.
Ngunit kumalma lamang ako nang madama ang
pagsipa ng sanggol sa aking sinapupunan. This is a gift. This baby is a
gift. Tinatak ko iyon sa utak ng paulit-ulit. Kahit pa puro paghihirap na
ang naramdaman buhat nang mabuo siya.
"Kasabayan mo lang yata ang anak ng
may-ari n'on, tapos ngayon ay kumikita na! Tingnan mo ang ginawa mo sa sarili
mo, ang laki-laki na ng tyan mo!" She added. Lihim ko siyang inirapan at
tahimik na umalis na lamang para matapos na ang paglilitanya n'ya. Bumalik ako
sa kusina para sana kunin ulit ang sumunod na order, ngunit nang aabutin ko ang
isang tray na may apat na tasa ng lugaw ay pinigilan ako ni Reah, malapit kong
kasamahan dito sa lugawan.
Tipid n'ya akong nginitian at dahan-dahan na
inagaw sa'kin ang dapat sana'y ilalabas kong order, "Ako na dyan at
sinabihan ko na si Lily na ikaw na muna ang tumao sa kaha. Para hindi ka na
palakad-lakad. Ako ang natatakot sa'yo t'wing nagseserve ka e!"
Tumiim
ang pagkakalapat ng aking mga labi. Kaya ko namang tiisin ang panlalait ng amo
namin kahit pa halos ang kulang na lang ay tulakin n'ya ako sa paglalakad.
Ngunit sa sinabi ni Reah, tila muli kong naramdaman ang pahalagahan mula sa
taong malapit sa akin. Sagana ako sa ganoong atensyon dati. The same pang of
guilt and pain gripped in my chest, napalunok ako. "O-Okay lang Reah,
saka..baka mapagalitan ka na naman dahil sa'kin, kayo ni Lily. Kaya ko pa
naman.." Kumbinsi ko, sa sarili. Pilit ko siyang nginitian at muling
kinuha ang tray na may kabigatan.
Kasalukuyan kong pinupunasan ang nagamit na
lamesa nang tawagin ako ng isang parokyano, "Miss, pahingi naman ng
malamig na tubig." Tumango ako at tumalima para ikuha sila ng isang pitsel
ng tubig.
Sa isang tray na hawak ko'y dala ko ang tubig
na kailangan nila at mga baso. Isa-isa ko 'yong binaba sa lamesa ng mga
kumakain nang mahagip ng paningin ko ang pagparada sa labas ng isang magarang
sasakyan. Sa wari ko'y taga doon iyon sa katapat naming building na
pagmamay-ari ng mga Castillano.
Ngunit napako ang mga mata ko ng bumaba sa
passenger seat na iyon mga matagal ko nang hindi nakikitang kaibigan. Nang
makita ko siya ay gusto kong manliit sa sarili. Ibang-iba na siya ngayon at
wala ka nang makikitang bakas ng kasimplehan. Ang mahahaba at mapuputi n'yang
hita ay kitang-kita mula sa suot na pulang bestida. Binagayan pa iyon ng itim
na clutch bag at high heels. Kumikinang din ang magkabila nitong dyamanteng
hikaw, na agaw-pansin din sa paningin. Halos lahat ng lalaki sa paligid ay
natuon ang pansin sa kanya. Naputol lamang nang lumabas mula sa driver's seat
ang isang lalaki.
Unconsciously, napahawak ako sa'king mabilog
na tyan. Nang magtama ang kanilang mga mata ay tila sa kanila lamang ang
mundong ginagalawan nila. He gave her a warm smile that I used to have.
He's changed too. Sa ilang buwan naming hindi
pagkikita ay napakalaki ng kanyang pinagbago. Mula sa nakakabaliw n'yang
kagwapuhan hanggang sa matayog n'yang katayuan.
Matiim muling lumapat ang aking mga labi nang
bumadha ang natatagong sama ng loob. Pakiramdam ko n'ong nakita ko silang
dalawa ulit ay mas nakadagdag ang sakit sa dibdib ko.
He snaked his arm on her small waist and
whispered, she giggled at marahan n'yang hinampas sa braso ang kasama.
Napangisi ako. Ganito rin ba ang naramdaman
n'ya noon? Iyong parang tinataga ka sa sakit habang sila'y masaya na sa buhay?
At ako'y miserable sa kinasadlakan.
A sorrowful tear escaped from eyes. Narinig
ko ang pagtawag sa'kin ng amo ko, pero tila tinadhanang panoorin ko ang dating
matalik na kaibigan at ang minamahal kong lalaki.
Bakit mahal ko pa rin?
Ang daya lang, kasi kahit nasaktan na n'ya
ako sa unang beses ay mas minahal ko pa rin siya. Ang daya lang, kasi hindi agad
ako nakabangon sa pagkakadapa ko. Ang daya lang, kasi mas pinili n'ya ang
kaibigan ko kaysa sa akin na una n'yang minahal.
Ang daya lang.
Hindi nila ako nakita na dalawa at sabay na
pumasok sa building na pagmamay-ari n'ya. Mapait akong ngumiti kasabay nang
paglandas ng panibagong bersyon ng aking luha.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento