Lumaktaw sa pangunahing content

FH - Chapter 1

Chapter 1πŸ’œ



Ellie Oceane




NAPAHINTO ako sa bukana palang ng pintuan nang mapansin ko ang kalat-kalat na pares ng mga sapatos sa labas. Tinaasan ko ng aking kilay nang mapagtanto ko ang ibig sabihin nito. Tapos na talaga ang bakasyon kaya bumalik na rin ang mga kaklase kong nagsiuwian sa kani-kanilang probinsya. Kumpleto na ulit sa paborito naming tambayan!


 Hindi na ako nag-abala pang hubarin ang sapatos ko at ihalo sa kanila. May kaunting excitement ay dere-deretso akong pumasok sa loob ng sala. I barely ignored Wesley making out with Yumi at the kitchen counter. Napuno ng usok ng sigarilyo ang sala ng bahay ni Rica at tawanan mula sa umpukan ng barkada. I readied my big smile dahil talagang na-miss ko ang mga kaibigan ko.
         


"Ellie! 'nak ng..gumanda ka ah! Ano'ng ginawa mo?"
         


Dere-deretso akong sumalampak sa malapad nilang sofa habang nakadaong sa'kin ang mga pagbati nila. I even saw Wesley interrupted with my presence. I smirked. Nilingon ko si Andrew. "Natulog? Kain at saka tulog! Ang daya n'yo hindi kayo nagpasabing magsisiuwian kayo sa mga probinsya n'yo!" Tudyo ko. Though, alam ko naman kahit na yayain nila ako'y hindi rin naman ako papayagan ni Tita Flor. At malamang, ipapaalam pa iyon kay Mama. Ang dyahe!
         


"Akala mo naman, papayagan siya.." Napahinto ako sa pagdakot ng Piatos at nilingon si Rica na kasalukuyang nakikipaglampungan sa nobyo n'ya. I made a face at her. Kung para sa kanilang lahat ay mas kilala n'ya ako at siyang pinakamalapit na kaibigan ko.
         


 "Ligawan na kita Ellie?"
         

Napahinto kami sa tawanan ni Rica nang biglang sumingit sa usapan si Alec. Hindi ko alam kung tatawanan ko ba siya o ipagpapasawalang-bahala na lamang. Two months ago, ay panay ang pahangin n'yang liligawan n'ya ako. That time, may girlfriend pa siya, kaya, paanong gusto n'ya akong ligawan? Tiningnan ko siya at saka inirapan, "Pumila ka. May dalawang araw pa kami ni TJ." Sagot ko. Sinundan naman iyon ng tawanan ng lahat. "Wala pa ba kayong balak na pumasok? Magwa-one na.."

Tumayo si Rica at nilapitan ang pintong nakasara. Kumunot ang noo ko, ano'ng meron do'n?
         


 Napabaling pa ako kina Wesley nang tumawa ito sabay subo ng sigarilyo. "Hinihintay pa namin matapos si IΓ±igo, nag-enjoy ang loko!" Tudyo n'ya.
         


 Mas lalong kumunot ang noo ko nang mapaisip kung sinong IΓ±igo ang tinutukoy n'ya. Pinasadahan ko ng tingin ang buong barkada. Kumpleto naman sila rito maliban kay Iris na malamang ay nasa classroom na, ayaw kasi no'n na sumamang tumambay dito lalo na't uubo lamang iyon ng usok ng sigarilyo.
         


Kinatok ni Rica ang kwarto. "Hoy! Kanina pa kayo dyan! May pasok pa tayo!" Sinundan pa n'ya iyon ng hagikgik. Napaawang ang labi ko..hindi kaya. Oh, no! Tinotoo nila ang secret deal?
         


Bago pa ako makapagtanong ay bumukas na ang pinto ng kwarto at unang lumabas ang babaeng nagmamadali pang suklayin ang buhok at hatakin ang humilis na maiksing palda n'ya, was it Karissa? She had her lipstick smudged! Damn it! Uminit ang magkabila kong pisngi nang mapagtanto ko ang namuong eksena sa loob. Lalo pa ng ang sumunod sa kanya ay ang nagbibihis na transferee last year na si IΓ±igo Sandoval. He looked..eww!
         


Patagong tinawanan ni Rica ang babaeng dumaan sa harapan n'ya. I know Karissa. College student na ito na pumapasok sa kolehiyong malapit sa eskwelahan namin. Dati kasi ay hanggang balita lang ang alam ko na pumapatol ito sa mga High School students, but knowing that we're all Juniors, ha! Confirmed!
         


Napuno ng buyo ang sala pagkatapos makaalis ni Karissa. Binato pa ng crumpled tissue ni Mark si IΓ±igo na ngayon ay may malapad na ngisi. Akala ko pa dati matino 'to, kaugali lang pala nina Wesley. I scoffed.
         


"She's wild.." Komento n'ya matapos ayusin ang nagusot na manggas sa uniform. Napangiwi ako sa narinig, kahit na nag-ingay sina Wesley, Andrew, Mark at Alec. Tumayo na ako para pumasok na sa eskwela. Maging sina Rica at Yumi ay sumunod na rin sa'kin.
         


Hanggang sa makapasok sa klase ay pinag-uusapan pa rin ng mga lalaki ang nangyari kanina. Nalulukot talaga ang mukha ko tuwing nagtatanong sina Andrew, akala mo ba'y hindi pa n'ya nararanasan kung makaarte, e sila nga ay dinaanan din 'yon. O baka kalahati ng mga lalaki sa third-year, section five ay dumaan sa 'secret deal' initiation nina Wesley. 
         


Umupo ako sa tabi ni Iris, ngunit hanggang sa pwesto ko ay, dinig na dinig ko pa rin ang malakas na tawanan at buyo n'ong mga damuho. "So, kamusta naman sa unang sulong? I bet, hindi na rin virgin 'yong si Karissa. Dumaan na 'yon kay Wes eh!"
         


"Magaling ba 'yon sa ibabaw? Iyong kasing napunta sa'kin, mas ako ang gumagalaw. Pero magaling mag-blow!" Ani ni Alec sabay lingon pa sa'kin. Kadiri!
         

Inirapan ko na lang siya at kinuha na lang ang notes ko para sa first subject namin.        

Muntik pa akong mapaigtad sa kinauupuan ko nang biglang hinampas ni TJ ang lamensa. Kumunot ang noo ko sa kanya, "Ano'ng problema mo?" May halong inis kong tanong sa kanya.
         


He scoffed sarcastically, "Ako pa ang tinanong mo kung ano'ng problema ko? E, ikaw Ellie, ano'ng trip mo? Isang linggo pa lang ang nakakalipas mula nang maging tayo, tapos nakikipag-split ka na?" Naghahasik ang kanyang mga matang namumula sa galit. Ngunit hindi ako nagpatinag. Sumandal ako sa upuan ko at humalukipkip sa kanyang harap.
         


Bumuntong hininga ako. Wala naman akong problema kay TJ. Pangatlo na siya sa naging boyfriend ko, gwapo, mayaman at matalino. Nasa special section pa siya at consistent first honor. Kaya lang, wala naman akong feelings sa kanya. Ang batas ko, pitong araw lang ang itatagal ng magiging boyfriend ko at pagkatapos, ibebreak ko na. Pasalamat pa nga sila at sinagot ko pa! Iyong iba nga'y umuuwing sugatan ang bulsa.
         


"Pwede ba TJ, h'wag ka ngang painosente dyan. Alam kong alam mo, kung ano'ng nangyayari sa mga nagiging boyfriend ko. Nakapitong-araw ka na kaya break na tayo!"
         


"But today's our weeksary! I prepared something for you.." Bigla ay umamo ang mga mata n'ya. Bahagya akong nagulat, pero agad din akong nakabawi. Hindi ko akalaing may weeksary pa siyang nalalaman. Doon sa dalawang nauna'y nagalit lang.
         


"Pasensya na TJ, kaya lang..ayoko na. Break na tayo." Kinuha ko kaagad ang bag ko at tumayo na upang makalabas na ng Milk tea shop na iyon. He was about to yank my arm but I immediately swayed it away from him with no regrets. Tinawag n'ya ang pangalan ko, pero hindi ko na siya nilingon pa.
         


That's how my life goes since last year. Nagsimula akong mag-entertain ng manliligaw n'ong second year high school ako, pareho kami ni Rica pero ang pagkakaiba lang, siya tumatagal ng buwan ang nakakarelasyon n'ya. Sila nga ni Mark ay maglilimang buwan na. Pero ako, madali akong magsawa. Matapos ang isang linggo ay hihiwalayan ko na. Wala naman kasi akong maramdaman, pero kapag nireregaluhan nila ako at binibigyan ng atensyon, doon nila nakukuha ang loob ko.
         


 Kung sa iba'y kababawan ang ginagawa ko, well, I'm enjoying it! Hindi ko naman sila pinupwersang bilhan ako ng mga bagay na mas mahal pa sa allowance nila. Kusa nila iyong binibigay para maging girlfriend ako.
         


 "Oh, ano'ng nangyari kay TJ?"
         


 Kumunot ang noo ko habang umuupo sa tabi ni Rica sa isang bench sa ilalim ng puno ng Narra. Napapaypay pa ako ng sariling kamay dahil sa init at butil-butil pa ang pawis ko. Nagkibit-balikat ako, "E'di nagalit. Akala ko nga ay magwawala pa."
         


"Hindi ka pa nagsasawa sa batas mong iyan? O kaya'y hindi ka pa nakokonsyensya?"
         


Binigyan ko siya ng tinging hindi makapaniwala, "Wow ha! Porke't nagtagal kayo ni Mark, gusto mo gumaya na rin ako sa inyo? No way! Masaya kayang maging single."
         


"Ellie, hindi ko naman kasing sinabing, gumaya ka sa'min ni Mark. Ang sa'kin lang, bakit hindi mo na subukang magseryoso? Hangga't tatlo pa lang ang tinatamaan n'yang batas mo, subukan mo nang tumanggap ng seryosong relasyon.."
         


 Panandalian akong hindi nakahuma sa sinabi ni Rica. Hindi naman ako tinamaan, ayoko lang siyang patulan. Siguro nga'y kailangan ko nang tanggapin na sabay lang kaming tumanggap ng mga manliligaw, pero magkaiba pa rin kami ng pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon.
         


 Nakanguso kong pinaglaruan ang aking sapatos at pinaikot-ikot sa tuyong dahon. Hindi naman ako ganoong ka-lebirated. Iyong tatlong naging boyfriend ko sa loob ng pitong araw at puro holding hands at halik sa'king pisngi ang pinapayagan ko. Hindi ko pa rin naiisip kung ano'ng plano ko pagdating dyan, ang mas priority ko ay nag-eenjoy naman ako.
                   


 Eksaktong 12:45 ay nasa labas na ko classroom namin. Ako pa ang una sa pila kaya nakikita ko pa ang klaseng pang-umaga habang tahimik na sinusulat ang lecture sa pisara. Inikot-ikot ko ang aking paa sa sahig habang hinihintay silang matapos. Tinext pa ako ni Rica na nasa tambayan sina Wesley at may bago raw pumatol sa secret deal with a new college student. Pinapapunta n'ya ako pero tumanggi ako. Alam ko namang pandidirihan ko lang ang ginagawa nila Wesley. Palibhasa, mula first year ay sila na ang naghahari sa section five kaya hanggang ngayon kapag may bagong lipat na estudyante ay may initiation silang pakulo. But this year, lumevel up ang trip n'ya.
         


 "Ellie.."
         


Nag-angat ako ng tingin sa babaeng tumabi sa'kin, ang mahinhing si Iris. Nginisihan ko siya.
         


"Ikaw lang?" Tanong n'ya sabay lingat ng tingin sa kabilang gawi ng hallway.
         


 "Nasa kina Rica pa sila, may bago raw e."
         


 Nalukot ang mukha n'ya pero nandoon pa rin ang kahinhinan n'ya. Kung minsan tuloy napapaisip ako kung paanong sa amin napalapit 'to e. Bukod sa masipag sa pag-aaral, napakabait pa. Samantalang kami, umaasa sa pass-the-message kapag exams.
         


 "Sabihin mo sa kanila, nakakahalata na si Ma'am Abenalis. Amoy na amoy daw kasi ang usok ng sigarilyo sa kanila.."
         


Napahinto ako sa ginagawa, "Talaga? E'di maganda! Ang lalakas kasi no'ng magyosi e. Hayaan mo, hindi ko sasabihan!" Humagikgik ako at napatakip ng bibig. Na-curious namang bigla sa'kin si Iris.
       


Hindi naman sa tinatakwil ko silang kaibigan, pero suportado ko talaga kapag napagbawalan na silang manigarilyo. Napatingin ako sa loob ng classroom. Na-freeze ang ngiti ko nang matigil ang mga mata ko sa lalaking walang kurap na nakatitig sa'kin.
         


Tila nangingibaw ang pintig ng puso ko at nakaramdam ako ng nerbyos.
         


Nerbyos? Hindi! Sadyang pumintig lang ng mabilis ang puso sa lalaking nakatitig sa'kin.
         


Among the other students, siya ang may malaking bulto ng katawan. Ang lapad ng kanyang balikat ay nakakahiya sa upuang kinasadlakan n'ya. He's even tall! Kahit nasa likurang bahagi ay siya agad ang makikita.
        


Munting napaawang ang kanyang labi, but I was captured by his deep brown eyes. Tila banyaga ang tingin ng kanyang mga mata. Kayumanggi ang kanyang balat pero halata sa tindig n'ya ang may halong lahi.
          


Nagtagal ang titigan namin hanggang sa napaigtad ako sa gulat ng tumunog ang alarm. Umingay ang iba't-ibang classroom kasabay ng paglabas ng mga pang-umagang estudyante.
         


"Hi, Ellie!"
         


Naagaaw ang atensyon ko sa 4th year na bumati sa'kin, kaklase nito iyong kakitigan ko kanina. Nginitian ko na lamang siya pabalik.
         


"Wala na raw kayo ni TJ? E'di, pwede ka na ulit ligawan? Bigay mo na number mo sa'kin.." Sabi n'ya sabay kagat ng kanyang labi.
          

Nakaramdam ako ng inis sa kapreskuhan n'ya. Papatulan ko na sana nang biglang may umakbay sa kanya at hinila siya palayo sa amin. "Tama na 'yan. Tanghaling tapat nanliligaw ka na!"    


Kumunot ang noo ko. Iyon 'yung lalaking katitigan ko kanina!
         


"Teka, Ridge! Kukunin ko lang muna 'yong number n'ya! Hoy!" Umalma iyong classmate n'ya pero, sa tangkad ng tinawag n'yang Ridge ay nagpatianod na lang ang lalaki. He dragged him away, pinagmasdan ko sila hanggang sa humalo sa iba pang nagsisiuwiang estudyante.
         


"Pasok na tayo sa loob, Ellie."
         

Nalipat ang tingin ko kay Iris na ngayon ay naunahan pa akong pumasok sa loob. Tumango ako sa kanya, pero bago pumasok ay isang beses ko pa sanang titingnan ang mga 4th year student na iyon. Ngunit tila na nagpyesta ang mga kulisap sa tiyan ko nang maabutan kong huminto sa paglalakad iyong si Ridge at mataman na nakakatitig sa akin.
         

Inayos ko muna ang manipis na kutsong nakalatag sa papag. Hinilot ko ang aking mga binti dahil sa dami ng ginawa ko kanina sa lugawan. Talagang hindi ako tinantanan ng amo ko at sinulit yata ang pasuweldo sa'kin.
          


 Pahiga na ako nang tumunong ang luma kong cellphone.
          


Rica calling..
          


Agad akong napangiti at excited na tinanggap ang tawag ng kaibigan. "Hello, Rica!"
         


 "Buti at naabutan pa kitang gising." Bungad n'ya sa'kin.
         


 "Papatulog na ako nang tumawag ka. Ano'ng atin? Nag-away ba kayo ulit ni Mark?" Napakislot ako sandali nang makaramdam ng discomfort sa aking tiyan. Ngunit agad din namang nawala kung kaya't nasabik akong muli sa kaibigan.
         


"Hindi 'no! Gusto lang kitang kamustahin. At saka, nagpadala ako ng pera sa'yo ah. I-claim mo na lang bukas ng umaga."
         


Natigilan ako sa kanyang sinabi. Yumuko ako at pinagmasdan ang malaki kong tiyan. Sa sandaling panahon naman ay manganganak na ako, pero sadya yatang ito ang kabayaran ko sa nagawang kalokohan dati. "H-Hindi mo naman kailangan gawin na iyon, Rica.."
        


Ilang beses na ba akong tumanggi sa bigay n'ya? Pero palagi ko ring tinatanggap dahil sa wala rin akong mapagkukunan.
          


 "Tumigil ka nga dyan sa self-pity mo Ellie ah! Kung kailangang ako pa ang maghatid ng pera dyan sa'yo, gagawin ko. Hinahanapan ka na rin ni Mark ng malilipatan, syempre iyong mura muna.." Sabi n'ya sabay tawa. Ngunit batid ko ang iyak sa pilit n'yang tawa.
         


"Rica..."
         


"H'wag kang susuko Ellie! Kakayanin mo 'yan, nandito lang kami. Hinding-hindi kita iiwan."
          


Pinunasan ko kaagad ang lumandas na luha sa'king mga mata. Ganito ako kapag kausap ko siya, nagiging emosyonal ako. Sabi n'ya, baka dahil raw sa buntis ako. Ngunit sa loob-loob ko, dahil na rin sa dagok ko sa buhay. "Nakita ko sila kanina.." Pumiyok pa ang aking boses nang may bumangong sakit.
         


 Napasinghap siya, "N-Nakita ka n'ya?"
         


 "Hindi..hindi ko rin kaya.."
         


 She heaved out a sigh, "Hayaan mo na. Kakarmahin din iyong dalawang 'yon! Mga bugok sila! Mga hinayupak! Ang kakapal ng mga mukha!"
         


Bahagya akong natawa sa hinaing ni Rica.
         


"Pag nasalubong ko talaga 'yong dalawang 'yon, pag-uuntugin ko sila at sabay kokompralin! Pag-aaralan ko pa kung paano pababagsakin ang kompanya ng gagong 'yon.."
         


Naramdaman ko talaga ang pagmamahal sa'kin ng kaibigan ko. Kung sana nga lang ay kaya ko ring ipagtanggol ang sarili. Agad akong napahawak sa tyan ko, "R-Rica!"
         


 "Oh? Bakit?"
         

Napangiwi ako sa sakit ng tyan ko! Kulang na lang magsisigaw ako sa sakit! "M-Manganganak na yata ako.."

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

FH - Chapter 3

Chapter 3πŸ’™ Ellie's POV Maingat kong ibinaba sa plastic na lamesa ang maliit na feeding bottle ang anak ko. I was singing a lullaby until he finally fell asleep. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking anak. Gumagalaw pa ang kanyang maliit at manipis na labi na tila ba may gatas na iniinom. I leaned my face and carefully kissed him on his forehead. He was making noise but it seems like a music to my ears. Mataman ko siyang tinitigan. At tanging tahimik na paghihinagpis ang natamo ko habang ginagawa iyon. Ngunit iyon lamang ay napapawi tuwing nayayakap ko siya. Na kahit tinalikuran ako ng mundo'y binigay pa rin siya ng diyos para muli akong bigyan ng pag-asa. I lost my friends, my education, my family and him. Iyong akala ko'y panghahawakan ko na habangbuhay..mawawalan lang sa isang iglap. Ngayon ko napagtantong, malalaman mo lamang ang halaga kapag wala na. Ang maiiwan lamang ay iyong tunay na nagmamalasakit ng walang h

FH - Prologue

First Heartbreak You're asking for forgiveness, because you were wrong. But how, if he already have your friend replacing you to his heart? PrologueπŸ’› Ellie's POV NAPAIGTAD ako nang muling sumigaw sa maliit na bintana ang amo kong sa intsik sa maliit na bintana na naghihiwalay sa kusina at sa kainan. Muntik pang dumulas sa kamay ang dalawang tasa ng lugaw sa tining ng boses n'ya. My pride was down for now.           "Ano ba naman 'tong buntis na 'to! Napakabagal, dalawang lugaw lang ang kukunin! Hala, ilabas mo na 'yan dito at naiinip na ang customer ko! Dali!" Pinasadahan n'ya pa ako ng tingin na parang gulong-gulo ang itsura ko. Her rebonded hair looked so firm and almost not moving kahit panay ang paypay n'ya.            "Lalabas na po madam.." Sagot ko na lang. Ayoko mang nilalait ako'y wala naman akong magagawa. I am too weak and helpless. I'm afraid, na baka

FH - Chapter 4

Chapter 4πŸ’— Ellie's POV Pagkatapos kong planstahin ang uniporme ko ay maayos ko itong sinampay sa likod ng pintuan ng kwarto ko. Inilagay ko na rin sa bulsa ng palda ko ang naplansta ko ring pink checkered na panyo ko. Iniligpit ko ang mga notes ko at nilagay sa bag. Ang nakaseparate ko namang notebook ng dinorowing kong disenyo ng bracelet at kwintas, ay maayos kong tinabi sa drawer. Kung minsan kapag inaantok ako sa pag-aaral, dinadivert ko ang atensyo ko sa pagdidisenyo ng bracelet at kwintas. Para naman kahit papa'no makaramdam ako ng excitement sa pag-aaral. I fixed everything on my study table, bago ko kinuha ang platitong pinaglagyan ko ng cookies at baso ng juice. Lumabas ako ng kwarto para sana hugasan na iyon sa kusina, ngunit napahinto ako sa paglalakad ng may lumabas na lalaking walang pang-itaas sa silid ni Tita Flor! Napatda ako sa gulat. Tila ako'y natuklaw ng ahas nang makakita ng lalaking hubad sa bahay namin. Walang ibang nakatira d