Chapter 3💙
Ellie's POV
Maingat kong ibinaba sa plastic na lamesa ang maliit na
feeding bottle ang anak ko. I was singing a lullaby until he finally fell
asleep. Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang aking anak. Gumagalaw pa ang
kanyang maliit at manipis na labi na tila ba may gatas na iniinom.
I leaned my face and carefully kissed him on his forehead.
He was making noise but it seems like a music to my ears. Mataman ko siyang
tinitigan. At tanging tahimik na paghihinagpis ang natamo ko habang ginagawa
iyon.
Ngunit iyon lamang ay napapawi tuwing nayayakap ko siya. Na
kahit tinalikuran ako ng mundo'y binigay pa rin siya ng diyos para muli akong
bigyan ng pag-asa.
I lost my friends, my education, my family and him.
Iyong akala ko'y panghahawakan ko na habangbuhay..mawawalan
lang sa isang iglap. Ngayon ko napagtantong, malalaman mo lamang ang halaga
kapag wala na. Ang maiiwan lamang ay iyong tunay na nagmamalasakit ng walang
hinihinging kapalit. Everything's were gone and it's impossible to bring back
the past. Maiiwan na lamang iyon bilang isang alaala.
Ang kailangan ko ngayon ay kung paano ko bibigyan ng
magandang buhay ang anak ko. Sa edad na bente ay dalagang ina na ako. Walang
katuwang at nag-iisa. Ang laki-laki na ng utang ko kina Rica at Mark. Lahat na
yata ng suporta ay ginawa na nila sa'kin.
Hindi malaki ang sinusweldo ko sa lugawan at malamang na
kulang pa iyon para sa mahal na gatas ng baby ko. Maswerte na kung
nakakapagpa-breastfeed ako. Ilang araw nang umiiyak sa gutom ang anak ko, kapag
kasi naubusan na ng formula milk, sa'kin ko na siya pilit na pinapagatas. Kahit
na medyo nasasaktan pa ako at kakaunti pa ang lumalabas.
"Ang cute-cute talaga ni baby Shane! Nakakagigil
oh.."
Bahagya kong nilingon sina Reah at Lily na nakatunghay sa
anak kong binigyan nila ng kuna. Hindi naman iyon bago, pero laking pasasalamat
ko na rin sa kanila. Malaking tulong na rin iyon sa amin.
"Mukhang paglaki nito maraming paiiyakin 'tong mga
babae!"
Natawa ako sa dinagdag ni Lily.
"Syempre naman, dugong Castillano kaya siya, 'di ba
Ellie?" Tumaas-baba ang mga kilay sa akin ni Reah. Napatid naman ang ngiti
ko at umiwas ng tingin. Mabuti na lang talaga at hindi nila kilala sa mukha si
Ridge, at baka ipaabot pa nila dito ang tungkol sa bata.
As much as possible, I wanna be discreet with all of this.
May sarili na iyong buhay at ayokong makigulo pa. Inilagay ko sa kaldero ang mga botelya para mapakuluan.
Paglapit ko sa kanila ay tiningnan ako ng dalawa.
"Paano pala iyan kapag pumasok ka na ulit sa lugawan?
Sino nang magbabantay kay baby Shane?" Tanong ni Reah.
Isa pa 'yang iniisip ko. "Pwede ko kayang isama do'n si
Shane?"
Nagulantang ang itsura nila sa balik-tanong ko. "Saan mo siya ilalagay do'n? Bukod sa mainit na,
maingay pa. Idagdag mo pa ang bunganga ni Madam, alam mo namang mainit pa iyon
sa'yo.."
Napabuntong hininga ako. Hindi ko naman na ipipilit kung
hindi pwede, maliit din naman ang kinikita ko doon. At malapit pa sa building
ng ama n'ya. "Magreresign na lang ako." Saad ko. Napasinghap silang
pareho at tila hindi inaasahan ang isasagot ko.
"Ha? Makakahanap ka ba n'yan ng ibang trabaho? Kung
gusto mo..magtatanong-tanong din ako." Ani Lily.
Nginitian ko siya at dinungaw ang natutulog kong anak. "Kailangan ko ng mas malaking sweldo para sa kanya.
Siguro'y magpapatulong ako kina Rica, pwede rin akong pumasok na
katulong." I tried to enlighten our feelings. Pakiramdam ko sobrang down
na ako at sa sitwasyon ko. Ayoko pa namang manghina.
Ngunit tiningnan lang nila ako't tahimik na pinagmasdan.
***
Ilang bases akong nagpabalik-balik sa bukana papasok sa tres.
Kinakabahan ako at nagdadawalang-isip kung itutuloy ko 'tong plano ko. Dito na
ako kaagad dumeretso pagkatapos ng klase para subukan ang kapalaran ko. Hindi rin naman ako sigurado kung papayag siya at baka
tanggihan ako. Pero..iyong ginagawa nina Wesley ay maayos naman. At kung notes
n'ya ang hihiramin ko, paniguradong papasa ako!
Niyakap ko ang hawak na plastic envelope ko at pasimpleng
sinulyapan ang daungan ng bangka. Napapalingon ako kung minsan sa mga huni ng
ibon at ang ingay ng parrot. Naaagaw ang pansin ko nang sutsutan ako ng isang matandang
lalaking nagpapaypay ng abaniko at bantay sa tindahan. Kanina ko pa rin siyang
napapansing tumitingin sa akin.
"Sino bang hanap mo neng?"
Natigilan ako. Ano, isasagot ko ba? Tumikhim ako at
napanguso, "Hmm..kay ano po, kay R-Ridge po sana.." Uminit ang mukha
ko sa pagsambit ko pa lamang ng pangalan. Hindi naman kasi kami magkakilala.
But I still remembered he called my name!
Ngumisi ang matanda at tinanaw ang sakayan sa bangka,
"Ridge! May naghahanap sa'yo dito! Iyong nililigawan mo!" Sigaw n'ya.
Napatda naman ako sa huling sinabi n'ya. Napalunok ako nang marinig ko na ang yabag ng pagtakbo
papalapit sa amin. At baka pa ako mapaatras sa kaba ay natagpuan na agad n'ya
ang mga mata ko.
Bumuhos ang kaba sa dibdib ko. Ang pag-init ng mukha ko'y
hindi na mapawi. Ramdam na ramdam ko ang pagiging estranghero ko sa lalaking
ito. Nag-angat ako ng mukha nang huminto siya sa harapan ko. He's
wearing a faded maong pants at he's usual T-shirt na ginupit ang manggas. Hindi
ko alam kung talagang naninira pa ba ito ng damit para lang ma-achieve ang
ganoong style o dala ng kalumaan.
Mukhang nagulat din siya sa pagpunta ko dito dahil napaawang
ang mapupula n'yang labi. Oh shit.
"May kailangan ka?" Why do I feel so exhausted and
calmed with his deep tone voice. Para bang naglalambing na malaking tao.
Tumikhim ako at kinalkula ang sasabihin. "A-Ano..Kuya,
ako nga pala si Ellie Ybarra..third year ako. Kami iyong panghapon na
klase.." Ah! Bakit ang hirap!
Tinitigan n'ya ako. Iyong titig na hindi kumukurap man lang
at tila nakukulangan sa sinabi ko. "Tapos?"
Napalunok ako sa kaba lalo na nu'ng humalukipkip siya,
"hmm, ano po kasi..gusto ko sanang hingin, kung pwede, iyong notebook mo
po last year sa Chemistry at Geometry? Ahmm, gagawin ko lang pong
reviewer.."
Tumabingi ang ulo n'ya pero tila hindi pa rin siya
kumukurap. "Reviewer? Bakit? Hindi ba't may libro naman kayo?
Bakit kailangan mo pa ng mga dating notes ko? Hmm?"
Naestatwa ako sa tanong n'ya. Para bang nahalata n'ya ang
totoong pakay ko sa paghingi ko ng mga notebook n'ya. Pero sabi kasi nina Wes
ay matalino rin 'tong si Ridge Castillano. At kung notes ang kokopyahin ko,
mauunahan ko na sa discussion ang mga kaklase ko. "Meron naman kuya kaya lang..hindi ba pwedeng hiramin
ko na lang sa'yo? Ibabalik ko rin kung gusto mo.."
Kumibot ang labi n'ya pero hindi siya kaagad nakapagsalita.
He stared at me like I was some kind of a show. Nako-conscious na ako. Umiinit
ng husto ang mukha ko!
"Kung ako sa'yo, mag-aaral na lang akong mabuti kaysa
ang mangdaya. Hindi ko ibibigay sa'yo." Walang gatol n'yang sabi.
Bumulusok ang baga sa mukha ko, tila ba pinagpagan n'ya ako
ng apoy sa hiya! Napatingin pa ako sa matanda kung narinig n'ya kami. Grabe siya, kung ayaw n'yang ipahiram e'di h'wag! Langya,
ipapahiya pa ako.
"Gano'n? Sige po, sa iba na lang ako manghihiram."
Diniin ko pa ang huling salitang sinabi ko.
Inis ko na siyang tatalikuran nang bigla siyang nagsalita.
"Wala ka bang ibang option?"
Kumunot ang noo ko nang tingnan ko siyang muli.
Bumitaw siya sa paghalukipkip at sinuksok ang mga kamay sa
kanyang bulsa. "Imbes na mandaya ka..magpatutor ka na lang."
"Tutor?"
Dahan-dahan siyang tumango at bahagyang yumuko para magpantay
ang mga mukha namin.
And my heart bursted its beat loudly.
"Mag-aapply na lang akong tutor mo Ellie." Bulong
n'ya.
Sandali akong nawalan ng imik. His eyes swum in my system
like a drug. Naipit sa'king ugat ang mga katagang gusto kong ibato sa kanya dahil
sa titig na binibigay n'ya sa akin. Tutor? Why not. Dati pa naman iyan inaalok sa'kin ni mama para raw
tumaas ang mga grades kong average naman ang naaabot. Syempre, hindi ako
pumayag no'n dati dahil sinasalba ko pa ang pride ko kahit papa'no. Tapos isang
4th year lang ang magsa-suggest sa'kin nyan ulit?
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ikaw po? Bakit kuya gipit
ka ba kaya ayaw mong ipahiram ang notes mo?"
I was full of confidence when I said that, but I never
expected that he'd clenched his jaw after that. Umigting ang panga n'ya at
bahagyang naningkit ang mga mata n'yang nakatunghay sa'kin.
Napalunok ako. "Kaya ko namang mag-aral mag-isa at 'di
ko na kailangang magpatutor. Ang kailangan ko lang naman ay ang reviewer para
may masundan po ako, pero kung ayaw ninyong tumulong o magmalasakit..okay lang
din po. Sige po, salamat sa oras--"
Bigla n'ya akong nginisihan, "Style mo bulok! Hindi
lang ikaw ang lumapit sa'kin para magkunwaring manghihiram ng mga notes ko
tapos gagawing kodigo sa mga examination. Marami na akong nakitang ganyang
style Miss Ybarra. Kaya nga binibigyan kita ng ibang option at 'di ko ipipilit
sa'yo kung mapride kang babae. At lalong hindi ako nagpapabayad."
Tila bumulusok ang init sa'king mukha ng isaboy n'ya sa'kin
ang ilang lihim na kalakaran ng mga estudyante. Dati ko pa rin naman iyon
nakikita pero binabalewala ko dahil hindi ko planong magpakadalubhasa sa
pag-aaral. Ngayon na lamang dahil para sa laptop. May parte sa akin ang na-offend sa sinabi n'ya. 'Yung pride
ko siguro. Pero parte ring bumangon ang inis sa kanya dahil sa matabil nyang
dila! "Irereview ko lang t-talaga iyon! H-Hindi ako m-mandadaya!"
Pagak siyang tumawa sa'kin. "Bakit ka nauutal?"
Natameme ako at namilog ang mga mata sa kanya. Sa unang
pagkakataon ay napatda ako sa isang lalaking binabara ang bawat sasabihin ko.
All my high school life, ako ang palaging nambabara sa mga lalaki lalo na kung
nagpapakita ng interest sa'kin. I can dominate boys in just one flip of my
hand. I can make an order that they will follow and no one says no to me!
But how come this boy got into my nerves? Nagagawa n'yang
mawalan ako ng imik! Is it because he's right about my intention? O dahil siya
ang pinakagwapong nakilala kong lalaki pero ubod na yabang na bangkero? Either
one, I simply hate him.
Tumikhim ako at nagtaas ng noo. "Payag na akong
magpatutor! Libre ba? Sasabihan na lang kita kung kailan lang pwede.."
"MWF. Pagkatapos ng klase mo susunduin kita. Next week
na tayo magstart, malapit na rin ang prelim." Mataas n'yang sabi sabay
talikod sa'kin.
Napaawang ang labi ko at walang nagawa nang tuluyan n'ya
akong iwang ninakawan ng imik. Ang yabang! At siya pa talaga ang namili ng araw
ah? Pahambog!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento